Isa sa mga inaabangan ng mga bata ang kanilang mga handa na iniluto ni Nanay tuwing birthday nila. Mas matutuwa pa ang mga bulilit kapag kasama sila sa pagluto ng mga handa! Ang mga pagkaing ‘to ang madalas na handa tuwing may party sa ating mga bahay. Siguradong tatamaan kayo ng nostalgia sa mga pagkaing ito noon!
- Hotdog
Usong uso talaga ang hotdog na may kasamang marshmallow sa stick tapos itutusok ‘to sa cabbage o prutas na malaki tulad ng pakwan o pinya. Weird na combination pero gustong gusto naman ng mga bata kaya sige nalang!
- Pinoy BBQ
Siyempre, hindi mawawala ang Pinoy BBQ na madali ring kainin dahil ito ay naka stick. Bago ihawin ang Pinoy BBQ, pinapahiran ito ng pinaghalong toyo at banana ketchup. Simple lang pero sapat na!
- Spaghetti
At ang paborito ng mga bata, ang spaghetti. Hindi lang ito spaghetti, ito ay Pinoy spaghetti. Ang Pinoy spaghetti ay mas matamis sa tunay na spaghetti, may kasamang hotdog at maraming cheese !4. Fried chickenAng pares ng spaghetti? Siyempre ang pritong manok na paboritong paborito din ng mga bata. Hindi kailangan ng spoon and fork dito. Kamay lang, okay na!5. PansitAt sa bawat birthday party ay dapat mayroong pansit dahil ito ay pinaniniwalaang pangpahaba ng buhay. Hindi ko rin alam paano nangyari ‘yon pero isang Pinoy favorite ang pansit kaya kasama dapat ‘yan sa handa.
- Fried lumpia
At dahil mahilig ang mga Pinoy magkamay, lumpia ang isa sa mga unang unang kinukuha ng mga bisita sabay sawsaw sa ketchup or kahit anong matamis maasim na sawsawan ng lumpia.
- Pink gelatin
Para sa mga minatamis, nandiyan ang pink gelatin na kung minsan ay hinahaluan lang ng gatas para maging creamy at minsan naman ay hinahaluan ng fruit cocktail o ng mais. Gawa pa ito sa gulaman na bar na kailangang tunawin. Ngayon, gulaman na powder na ang gamit.
- Fruit salad
Isa pa ang fruit salad na napakalamig. Madalas gusto din ng mga batang tumulong sa paggawa nito dahil ito ay paghalo halo lamang ng nakalatang fruit cocktail, cream, condensed milk at minsan, cheese.
- Birthday cake from Goldilocks
At siyempre, ang pinaka-aabangan at hinding hindi mawawala ang cake ng Goldilocks na may birthday message at pangalan ng birthday celebrant. Pagkalabas na pagkalabas ng cake na ito ay magsisimula nang magtipon ang mga bisita at awitan ng buong tuwa ang celebrant ng Happy Birthday.At ‘pag natapos na ang party nang may marami pang pagakaing natira, isa isa na ‘yang binabalot at ipinamimigay. Ganyan talaga ang mga Pinoy, mapagbigay!