Kasama sa preparasyon ng isang kaarawan ang paghahanda ng mga laro na magpapaaliw sa mga bata. Pwede itong pangpagutom sa mga bata bago kumain o pangpababa ng mga kinain. Ang mga larong ito ay siguradong alam na alam mo!
- Bring Me
Ang larong ito sinusubok ang bilis ng mga bata tumakbo at mag-isip. Hindi lang mga bata ang kasama dito, kasama na din ang mga magulang. Dapat alisto ang mga bata sa sasabihin ng nagpapalaro. Dapat mabilis kumilos at maghanap ang mga bata ng bagay na ipinapadala sa harapan para manalo!
- Longest Line
Ito pa ay isang laro na pwedeng salihan ng mga magulang. Pahabaan ng magawang linya gamit ang iba’t ibang bagay, damit na nasa katawan nila at pwede din ang sarili rin nila ang ihiga at isama sa linya. Siyempre, kung sino ang may pinakamahabang linya, sila ang panalo!
- Trip to Jerusalem
Siguradong mahihilo ka larong ito pero ang importante ikaw ang matira! Isa na naman itong pabilisan na laro pero paikot ang direksyon ninyo. Nakapaikot ang mga upuan na bawas ng isang piraso sa total na dami ng maglalaro. Kung 5 ang maglalaro, 4 lang ang upuan. Pagkasimula ng music iikot ang mga players habang sumasayaw at ‘pag tumigil na ang music, paunahan ang mga kalahok na makaupo sa isang upuan. Ang walang maupuan, labas na sa laro. Isa lamang ang tatanghaling panalo sa larong ito.
- Stop Dance
Madali lang ang larong ito. Literal na Stop Dance. Nakatipon ang mga kalahok sa gitna at dapat silang sumayaw kapag pinatugtog na ang musika. Kapag itinigil ang musika, titigil din ang mga kalahok. Kapag nahuli silang gumalaw habang walang musika ay labas na sila sa laro. Isa lang ulit ang panalo rito
- Newspaper Dance
Sa larong ito, mayroon ka dapat partner at bibigyan kayo ng isang sheet ng newspaper. Kapag tumugtog ang music, sasayaw ang mag partner. Kapag pinatigil ang music, ang mag partner ay dapat tumuntong sa newspaper at dapat walang paang nakalabas sa newspaper. Kapag nagtagumpay ang mag partner, itutupi ang newspaper ng isang beses at ipapatugtog mula ang musika. Ang challenge dito ay papaliit ng papaliit ang newspaper pero dapat makatungtong ang mag partner sa newspaper.
- Pabitin
Simple lang ang larong ito. Giveaway nalang ito sa mga bata. May mga prizes na nakasabit sa isang square na kahoy at itataas ito sa ulo ng mga bata. Ang mga bata naman ay dapat tumalon hanggang sa maabot nila ang gusto nilang prize na nakasabit. Ito rin ay pinapababa nila para may chance ang mga bata na makakuha ng maraming prize.
- Pukpok Palayok
Tulad din ito ng pabitin pero mas iba ang mechanics. May mga candies at minsan ay pera sa loob ng isang palayok. Dapat mabasag ng kalahok ang palayok nang naka blindfold. Isa isang bibigyan ng chance ang mga batang humampas sa palayok. Bago pa sila makahampas ay papaikutin muna sila at ‘pag tapos nun ay maglalakad ng diretso para sa palayok. Ngunit minsan nawawala ang mga bata sa direksyon kaya sila hindi nakakahampas.
- Longest Happy Birthday
Siyempre, hindi din mawawala ang pahabaan ng hininga. Isa isang papasabihin ang mga bata ng Happy Birthday at dapat mahaba ang huling syllable. Oorasan ito at kung sino ang may pinakamahaba ay siyang panalo.